nuffies

Wednesday, December 7, 2011

one of those dark, super dark, days


tula. ang pinakamabisang paraan para mailabas ang tunay na nararamdaman.
ang hirap nang wala kang makwentohan sa kung ano ang tunay mong nararamdaman, 
kung meron man, di pa rin sapat kasi di nila maiintindihan.

i had to have an outlet. i wanted to scream during those times. i wanted to kill myself to erase the pain.
home is not doing any good, school's been so stressing. my body's tired and i miss my mommy so much.
while grasping for air to breath, i decided to write a poem.
it is the only way i can remove, temporarily, those burdens i carry.

DECEMBER 5-6, 2011
11:50-12:30

nawala ang buhay sa kanyang mga mata
simula nang ika'y lumayo at iwanan siya
nais man niyang ibalik ang nakaraan
ngunit hindi na, wala ng paraan.

sinubukan niyang bumangon at mabuhay
mabuhay na parang ika'y kasama niya't buhay
ngunit paulit-ulit siyang ginigising sa katotohanan
na ika'y wala na at hindi na makakasama kailanman.

kahit isang saglit, yun lang ang hiling niya
para sa ganoong paraan magkita kayo at makapiling mo siya
ang dami niyang ikwekwento kung nagkataon
mga kwento patungkol sa takbo ng buhay niya nang nagdaang taon.

madami ka na daw hindi nasubaybayan
mga paghihirap at mga labang kanyang pinagtagumpayan
kung nakita mo lang siguro siya, marahil ika'y matutuwa
sa ano at paano siya sa kanyang kapwa.

ngunit baka ikaw rin daw ay 'di masisiyahan
dahil sa paglisan mo, nawala na din ang kanyang totoong katauhan
nawalan na siya ng paghuhugutan ng inspirasyon
at ang mga pangarap na binuo niyo noon ay isa-isa na rin naglalaho.

siguro kung kapiling niyo pa ang isa't isa
marahil ganado siya at punung-puno ng pag-asa
marahil wala na rin siyang mga "kung sakali"
at marahil mababawasan na din ang damdaming kanya lang kinikimkim sa sarili.

sa pagdaan ng oras at panahon
alam niyang wala ng natitirang pagkakataon
na kayo'y bumalik at mamuhay tulad noon
lahat ng ala-ala'y sa puso't isipan na lang ibaibaon.

mahal na mahal ka niya at hindi na siya makapaghintay na kayo'y magkita ulit sa piling Niya.

mommy, I MISS YOU!

No comments:

Post a Comment